| «Pagsisihan
ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala
kayo sa Ebanghelyo.» (Mar. 1:15)
Sa
mga katagang ito mula sa Ebanghelyo ni San Marcos, sinimulan
ni Jesus ang pagpapahayag sa daigdig ng kanyang mensahe
ng pagliligtas:
« Dumating na ang tamang panahon, at nalalapit
na ang kaharian ng Diyos; magsisi, at maniwala sa Ebanghelyo.
»
Sa
mga katagang ito mula sa Ebanghelyo ni San Marcos, sinimulan
ni Jesus ang pagpapahayag sa daigdig ng kanyang mensahe
ng pagliligtas:
« Dumating na ang tamang panahon, at nalalapit
na ang kaharian ng Diyos; magsisi, at maniwala sa Ebanghelyo.
»
Ang
pagdating ni Jesus ay tanda ng simula ng bagong panahon,
ang panahon ng biyaya at kaligtasan. Ang mga una Niyang
kataga ay paanyaya na yakapin ang dakila at bagong bagay
na ito, ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos na kanyang
dinala na kayang abutin at malapit sa bawat tao.
Ito ay nangangahulugan na radikal na baguhin ang buhay
ng isang tao at tanggapin kay Jesus ang Salita ng Diyos,
na sinasabi ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, sa lahat
ng sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Ang pagsisisi at pananampalataya ay kailangang magkaagapay.
Hindi maaaring mawala ang isa. Pareho silang bumubukal
kapag isinabuhay ang Salita ng Diyos, mula sa presensya
ni Jesus na hanggang sa ngayon ay nagsasabi sa kalahatan:
«Pagsisihan
ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala
kayo sa Ebanghelyo.»
Kapag ang salita ng Diyos ay tinanggap at isinabuhay,
ito ay nagbubunga ng ganap na pagbabago ng kaisipan.
Ito ay unti-unting pumapasok sa puso ng lahat- Europeo,
Asyano, Australyano, Amerikano, Afrikano- ang damdamin
ni Kristo na may kinalaman sa kalagayan ng buhay ng
tao at lipunan.
Subalit paano maisasagawa ng Ebanghelyo ang himala ng
ganap na pagbabago, ng bago at nagbibigay-liwanag na
pananampalataya? Ang sekreto ay nakasalalay sa misteryong
nakapaloob sa mga Salita ni Jesus.
Ito
ay hindi lamang basta mga pangaral, mungkahi, pahiwatig,
kautusan, atas o mga utos. Sa Kanyang mga Salita ay
naroon si Jesus. Ang kanyang mga Salita ay ang Kanyang
Sarili mismo; ang mga ito ay si Jesus.
Kaya’t sa Salita ng Diyos, nakakatagpo natin Siya.
Sa pagtanggap sa Salita sa ating mga puso, kagaya ng
nais Niyang pagtanggap (ibig sabihin, maging handa na
isabuhay ito), tayo ay kaisa Niya, at Siya ay nabubuhay
at lumalago sa atin.
Kung kaya’t ang bawat isa sa atin ay maaari at
dapat tanggapin ang apurahan at mapanghamong paanyaya
ni Jesus.
«Pagsisihan
ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala
kayo sa Ebanghelyo.»
Marahil itinuturing ng ilang tao ang mga Salita ng Ebanghelyo
na masyadong mataas at mahirap gawin, masyadong malayo
sa karaniwang paraan ng pamumuhay at pag-iisip. Maaari
silang matukso na huwag makinig at panghinaan ng loob.
Marahil itinuturing ng ilang tao ang mga Salita ng Ebanghelyo
na masyadong mataas at mahirap gawin, masyadong malayo
sa karaniwang paraan ng pamumuhay at pag-iisip. Maaari
silang matukso na huwag makinig at panghinaan ng loob.
Sa halip, sapat na ang subukan at isabuhay ang isang
Salita ng Ebanghelyo lamang upang matagpuan dito ang
hindi inaasahang tulong, natatanging lakas, liwanag
sa kanilang daan.
«Pagsisihan
ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala
kayo sa Ebanghelyo.»
Gaano
kadalas ang Kataga ng Buhay na ito ay nagbibigay liwanag
sa atin sa bawat araw!
Sa
tuwing tayo ay nahaharap sa pakikipaglaban sa sariling
kahinaan o sa kahinaan ng iba, sa tuwing ang pagsunod
kay Jesus ay parang imposible o hindi makatwiran, sa
tuwing tinatakot tayong talunin ng mga suliranin, ang
Salitang ito ay maaaring magbigay sa atin ng mga pakpak,
maging parang samyo ng sariwang hangin, isang inspirasyon
upang magsimula muli.
Sapat
na ang gumawa ng maliit, mabilis na “pagbabago”
ng ating landas mula sa pagkakakulong sa ating pagkamakasarili
at buksan ang ating sarili sa Diyos, at maranasan ang
bagong buhay, ang totoong buhay
At kung posible para sa atin na ibahagi ang karanasang
ito sa mga kaibigan na inangkin din ang Ebanghelyo bilang
batas ng kanilang buhay, makikita natin ang Kristiyanong
pamayanan na uusbong muli sa ating paligid.
Dahil kapag ang Salita ng Diyos ay isinabuhay at ibinahagi,
ito ay gumagawa rin ng mga himala. Lilitaw ang isang
komunidad na magiging lebadura at asin ng lipunan, na
magpapatotoo kay Jesus sa bawat sulok ng daigdig.
|