Dalawang
taon kong nakasama si Chiara sa bahay ngunit dahil
maliit lamang ito, dumating ang panahon na kinailangang
lumipat ako sa ibang bahay. Nahirapan akong makisama
at makiisa sa mga bago kong kasamahan sa bahay lalo
na sa namumuno sa amin.
Isang
araw, habang nagsisimba ako, naka-upo sa likod ko
si Chiara. Sabi ko sa sarili ko, “Tama na, tama
na! Kailangan baguhin ko ang pakikitungo ko sa mga
kasamahan ko. Oo nga’t hindi si Chiara ang kasama
ko ngayon sa bahay, pero itinakda niya ang taong iyon
para mamuno sa amin doon, kaya dapat akong gumawa
ng hakbang para makiisa sa kanya.” Pagkatapos
noon nakaramdam ako ng kalayaan at kasiyahan.
Paglabas
ko ng simbahan, nakita ko si Chiara kasama ang ibang
mga focolarina.
Tinawag
niya ako at nag-wika, “Halika Marilen. Ngayong
umaga ay may sinabi sa akin si Hesus tungkol sa iyo.”
Nag-usap kami ni Chiara sa isang tabi. Wika niya:
“Habang nagsisimba ay naunawaan kong ikaw at
si Aletta (‘maliit na pakpak’ na tila
mga pakpak ng anghel at kaagapay. Ito ang tawag ni
Chiara kay Vittoria Salizzoni), ang aking magiging
maliliit na pakpak. Kung isa lang ang aking pakpak
(Aletta), imposible akong makakalipad. Kailangan ay
dalawang pakpak. Ikaw ang kabilang pakpak para dalawa
kayong tutulong sa akin.” Para kay Chiara ito
ay personal na tulong sa buhay niya sapagkat kargo
din niya ang paglaganap ng Movement.
Si
Aletta ang mag-aalaga ng kalusugan ni Chiara, kasama
rito ang pagluluto; habang ako naman ang mag-aalaga
ng bahay, ang kalinisan at kaayusan pati ng kapaligiran
nito, at ang pagsalubong sa mga bisita.
Ang
gawain ko ay ang aspeto o kulay “blue”
o asul; taga-laba, taga-plantsa, taga-bukas ng pinto,
at taga-salubong sa mga bisita. Pag umaalis si Chiara,
ako ang kasama niya. Ang ibang mga focolarina ay nagtatrabaho
at marami din silang gawain para sa apostolado.
Dalawang
taon pa ang pamamalagi ko sa piling ni Chiara sa bahay
na iyon.
Malalim
ang pagkakaisa namin ni Aletta. Desidido kaming panatiliin
si Hesus sa aming piling. Halos mag-hapon kaming nasa
bahay. Minsan, maaari rin itong maging pabigat kay
Chiara. Kapag nangyari ito, agad naming idinideklara
sa isa’t isa na panatiliin si Hesus sa aming
piling: sa salita at sa gawa, lalo na sa mahihirap
na sitwasyon. Mga ilang halimbawa: pag tanghalian
at nakikita kong kailangan ng tulong ni Aletta para
ayusin ang mesa, o kung kailangan niyang tapusin ang
pagluluto, o pag may mga bisita tinutulungan ko siya
sa kusina.
Sa
hapon naman, tinutulungan niya akong labhan ang mga
kumot at kubrekama, at gawin ang ilang mabibigat na
trabaho. Sa ganitong paraan, para kaming mga “anghel”
sa tabi ni Chiara.
Sinikap
naming hindi manaig ang aming mga sarili sa harap
niya. Dito namin itinalaga ang aming mga buhay.
Isang
araw noong 1954, naatasan si Palmira (Frizzera, isang
focolarina) na magtungo sa Sardinia. Pero bago siya
makaalis ay nawalan siya ng boses kaya tinawag ako
ni Chiara at nag-wikang, “Marilen, ikaw nalang
ang mag-punta sa Sardinia, sa halip na si Palmira.”
Malayo ito sa Roma. Agad akong naghanda at sumakay
ng barko patungong Sardinia. Nagpunta ako doon para
ipalaganap ang Ideal (ang buhayebanghelyo ng pagkakaisa).
Naalala
ko na may mga oras na pagod na pagod ako. Sa isang
araw ay maraming pagtitipong nangyayari.
Tuwing
matatapos ang isang miting, ang mga dumadalo buhat
sa komunidad ay bumabati at nakikipag-usap sa akin
sa tinutuluyan kong tirahan. Wala akong lugar kung
saan ako maaaring magpahinga at makakuha ng panibagong
lakas para sa susunod na miting. Kaya’t nagpupunta
ako sa simbahan para doon makapagpahinga at bisitahin
si Hesus.
Noong
panahong iyon ay wala pang focolare sa Sardinia.
Bumalik
ako sa Roma pagkalipas ng isang linggo. Dumerecho
ako sa Focolare sa Via Tigre’, agad akong nagtungo
sa kusina at binati si Aletta, “Ciao Aletta!
Andito na ako!” At buong galak din akong binati
ni Aletta, “Ciao Marilen, masaya ako at nakabalik
ka na!” Nasas bahay pala si Chiara nung oras
na iyon ngunit nakasara ang pinto ng kwarto niya kaya’t
di ko na siya ginambala. Kinagabihan, ikinuwento ko
kay Chiara ang mga nangyari sa Sardinia. Interesado
siya sa lahat ng mga naganap doon. Masayang-masaya
talaga siya. Habang nag-uusap kami ay pumasok si Aletta.
Wika
ni Chiara sa amin, “Alam niyo, nang batiin niyo
ang isa’t isa kaninang tanghali, napansin ko
na si Hesus ay nasa piling ninyo. Nakita ko na may
plano ang Diyos sa inyo, isang magandang disenyo ng
Diyos. Naisip kong itinalaga kayo ng Diyos na malapit
sa akin sa mga panahong ito upang sa gayon, dahil
sa pagmamahal ninyo sa akin, magkakaroon kayo ng walang-sukat
na pagmamahalan.
“Simula
ngayon, tulad ng pagmamahal ninyo sa akin, kailangang
mahalin niyo rin ang iba pang mga focolarino’t
focolarina; ang lahat ng mga komunidad! Nguni’t
hindi lang sila… kailangang mahalin niyo ang
lahat… kahit yung mga nasa kasulok-sulukan ng
China.” (Ito ang eksaktong mga salita ni Chiara.
Noong mga panahong iyon hindi pa lumalabas ng Italya
ang Movement.) Patuloy ni Chiara, “Nakikita
kong ginagampanan ninyo nang husto ang mga tungkuling
inatas sa inyo.
Kita
kong alam na alam ninyo kung paano gawin ang mga bagay-bagay.
At
mahalaga ito bago maituro sa iba. Kaya’t simula
ngayon, ituturo ninyo sa lahat ang mga bagay na ito.”
Nakaramdam ako nang lubos na kasiyahan sa puso ko
na hindi ko maipaliwanag. Namalas ko ang pagsilang
ng isang banal na bagay, isang banal na disenyo ng
Diyos.
Itutuloy…
Isinalin
ng New City mula sa librong Like a Rainbow: Harmony
and Our Surroundings