Pag-ibig
ang nagbubuklod sa isang pamilya o samahan. Ito ay
nagbibigay buhay sa isang sambayanan, sa Simbahan,
sa mga lugar ng pagpupulong, sa kasuotan at mga tahanan
natin bilang mga anak ng iisa Diyos Ama sa langit.
Ang aspetong ito ay pagpapahayag ng pagmamahal na
nagbubuklod sa atin. Ginagawa tayo nitong tunay na
magkakapatid.
Tayo
ay nabubuklod kay Kristo dahil kapiling natin Siya
(Mt. 18:20).
Kaya’t
ang ating mga tahanan ay pagpapahayag ng presensya
ni Kristo sa ating piling --ang buhay natin sa Katawang
Mistiko ni Kristo.
Ano
ang katawang Mistiko ni Kristo? Ito ay ang buong sangkatauhang
tinubos ni Kristo, lahat ng nasa langit, ang mga kaluluwa
sa purgatoryo at ang mga nabubuhay pa sa mundo.
Tayong
lahat ay pinagbubuklodbuklod sa pangunguna ng ating
pinakapinuno na walang iba kundi si Kristo.
Ginawa
ni Kristo ang buong sangkatauhan bilang kanyang katawan,
at siya ang pinakanamumuno.
Kung
ang ulo ay inaalagaan at ang kamay naman ay sinasaktan,
si Kristo mismo ay sinasaktan din, at kung ang balikat
ay inaalagaan at ang paa ay sinasaktan, si Kristo
rin ay sinasaktan.
Kayat
hindi natin maaaring saktan ang kapwa. Sinabi niya
kay Saul nang inuusig niya ang mga Kristiyano, “Saul,
Saul bakit mo ako inuusig? (Gawa 9:4). Hamon ito upang
ituring nang mabuti ang kapwa, dahil lahat ay kay
Kristo, lahat ay bahagi ng Katawang Mistiko ni Kristo
Kapag pinagninilay-nilayan natin si Kristo—kung
saan ang Santatlo ay naroroon din—at tinitingnan
natin ang ating kapwa na pinag-isa na kay Kristo,
at nakikiisa sa lahat sa buhay na banal na umaapaw
mula sa Santatlo , ano pa ba ang nanaisin natin? Wala
na nga dahil lahat ay naroon na. Itong buhay-ugnayan
sa Katawang Mistiko ni Kristo ay ating mithiin--ang
mithiin ng buhay pagkakaisa.
Binigyang
diin ni Chiara Lubich na ang katawan ay bahagi ng
katawang Mistiko, na ang pinaka-ulo ay si Kristo,
ang Diyos na nagkatawang ta at ang ating katawan ay
nakaugnay sa ating kaluluwa kaya’t ito’y
nakatadhana sa muling pagkabuhay.
Patuloy
pa ni Chiara, tingnan natin kung paano nais ng Diyos
na tayo’y manamit at kung saan n’ya tayo
nais manahan. Sabi ng Ebanghelyo, “Isipin ninyo
kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi
sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin
ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot
ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagama’t
napakariringal ng mga damit niya. (Lk 12:27) Paano
mananamit ang isang miyembro ni Kristo? Mananamit
siya kung paano si Hesus nananamit dahil miyembro
sila ni Kristo. Kailangang manamit siya ng mas marangya
kay Solomon.
Paano
ito? Sa pagsasabuhay ng Ebanghelyo. Paano natin gagawin
ito? Kailangan maugnay tayo sa bawat isa, kailangan
magbuklod tayo sa Katawang ito, at maugnay sa pinaka-ulo,
upang ang dugo na dumadaloy na walang iba kundi si
Hesukristo ang siyang dadaloy sa katawan. Ang resulta
ng pag-uugnay natin sa katawang Mistiko ni Kristo
ay parang “dinaramtan tayo tulad ng mga bulaklak
sa parang, at ng mga ibon sa himpapawid.” Ang
bunga nito ay ang maka-isangdaan sa buhay na ito at
sa buhay na walang hanggan.
Paano
tayo mauugnay sa katawang Mistiko? Nawala ang paraisong
sa atin dahil sa kasalanang- mana mula sa una nating
mga magulang. Ito ay nagbunsod sa ating pagkakawatakwatak
at pagkakahiwalay. Ang tanging daan upang makapasok
muli tayo sa paraiso ay walang iba kundi si Hesus
na Pinabayaan na naging dukhang-dukha kahit sa ispirituwal
na kalagayan upang makapasok ang Diyos sa atin at
ang Banal na Espiritu ay dumaloy sa atin. Upang makamtam
natin ang maka-isangdaan, kailangan ibigay natin ang
lahat sa Kanya! Ang hinihingi sa atin ng Diyos ay
isang karukhaan na hindi lamang panlabas kundi personal,
at may malalim na pagtatalaga ng sarili sa Diyos.
Paano
ba tayo mananamit? Paano ba ang magiging ayos ng ating
mga tahanan? Dapat ang mga ito ay nagsasalamin sa
kaayusan ng kaluluwa o diwa ng nagsusuot ng damit
at sa nakatira doon sa bahay dahil lahat ng gawa ng
Diyos ay maayos. Higit sa lahat ang Diyos ay iisa:
ang Diyos ay payak.Kaya ang ating bahay ay isang simpleng
bahay, tulad ng kagandahan ng kalikasan, ng isang
kaayusan na “mas higit pang maayos”, ito
ay henyo ng Diyos Ama na may likha ng kalikasan at
isa pang henyo ni “Kristo” sa piling natin
kung tayo’y nagmamahalan.
Oo,
magkakaroon ng respeto sa pagkakaiba, dahil ang Banal
na Espiritu ay nabubuhay sa lahat, at ang bawat tao
ay naiiba, may iba’t ibang kakayahan at iba’t
ibang pinaggalingan. Ngunit ang kaayusang ito, sa
kanyang panlabas na anyo sa pananamit, sa mga bahay,
ay maaangkin ng mga taong nakaugnay sa katawang mistiko
ni Kristo dahil alam nilang miyembro sila nito at
nakikita rin nila ang iba bilang miyembro ng Katawang
ito kaya’t magiging maganda rin ang pakikitungo
ng bawat isa sa bawat kapwa-tao.
Jose
Aranas at Erly Erasmo