Magpatuloy
ka sa buhay ng pagibig. Kung ang iba ay makikilala
ang buhay mo at makita ang mga biyayang nasa’
yo, at kung makikiusap silang magsalita ka tungkol
sa iyong buhay, magbahagi ka, subalit kailangang ang
mga sasabihin mo ay galing sa mga naranasan mo sa
buhay. Ibase mo ang iyong sasabihin sa Banal na Kasulatan
at turo ng Simbahan kung saan kumukuha ng lakas ang
iyong grupo bilang bukal na inyong iniinuman, dahil
ito ay sigurado, hindi nauubusan, at magpakailanman.
Upang sa gayon, kung ang Mabuting Pastol ay magsasalita,
kayo ang magsisilbing kanyang mga buhay na salita.
Kung
natulungan, naliwanagan at nabigyan saya n’yo
na ang mga hamak sa lipunan, na-itatag na ninyo ang
pundasyon sa pagtatayo ng isang bagong siyudad. Buklurin
n’yo muli ang inyong mga sarili at ulit-ulitin
muli ang Mapapalad na winika ni Kristo (Mt 5) upang
hindi mawala ang diwa ni Kristo at ang kanyang mga
naisin sa inyo. Pagkatapos tumanaw pa kayo sa malayo
at ipahayag sa bawat kapwa, mayaman man o mahirap,
maganda at di-kanais-nais, magaling at di-magaling
na si Kristo ay nasa kanila na dumadaan.
Gawin
na ang inyong mga hanay, ang hanay ni Hesus at Maria,
ay maglingkod kay Hesus at makiisa kayo sa mga tumatangis,
makisaya sa mga nagsasaya, laging makiisa sa tagumpay
at paghihirap ng iba, sa lahat ng sakripisyo, ng hindi
nagsasawa. Lagyan ng pagitan ang inyong bawat pagkilos
ng panalangin, kasama ng iyong hanay sa isang pagkakaisang
ganap para sa ganun sa pamamagitan ni Kristo, makamit
ninyo ang maluwalhating tagumpay sa lugar na iyon.
At kung ang pagsisikap ay may kalakip na kabayaran,
maging batid na ang bawat tagumpay ay may lihim, dahil
siyang nag-udyok sa atin ay nagbayad na ng kanyang
sariling dugo.
Patawarin
at ipanalangin ang mga nag-iisip ng masama sa’
yo dahil kung di ka magpapatawad, hindi ka makakatanggap
ng habag, at kung nilalamon ka ng paghihirap, umawit
ka, “Oh aking pagibig, kaibigan, at kapatid,”
upang sa gayon sa oras ng iyong kamatayan, sasabihin
sa’yo ng Panginoon, “ Bumagon ka at magmadali,
aking mahal, ang aking pag-ibig, at sumama sa akin
(Sg 2:10)
Gawin
ito sa isang siyudad hanggang sa makamit ang tagumpay,
sa puntong ang kabutihan ay mananaig sa kasamaan at
sa pamamagitan natin mauulit ni Kristo ,“Napagwagian
ko na ang mundo” (Jn 16:33)
Sa
isang Diyos na dumadalaw sa’ yo sa bawat pagsikat
ng araw, ang isang siyudad ay di sapat. Siya ang gumawa
ng mga bituin, at ang gumagabay sa tadhana ng kasaysayan.
Magtakda
ng kasunduan sa kanya, at lawakan ang iyong mithiin
para iyong bansa, sa lahat ng bansa, sa buong mundo.
Maging ang iyong bawat hininga ay maging para sa mithiing
ito, lahat ng iyong kilos, maski ang iyong pahinga.
At
kung marating mo na ang kabilang buhay, makikita mo
ang mga mas makahulugang bagay at makakamit mo ang
gantimpalang katumbas ng iyong pagmamahal.
Mabuhay
na kung dumating na ang iyong takdang oras hindi ka
magsisi dahil nagmahal ka lamang ng kakaunti sa iyong
buhay dito sa mundo.
Chiara
Lubich